panagot-laya
    <description>panagot-laya</description>
awa ng kapit-bahay
      <description>wala kaming bigas noon wala ni asin pero hinugasan pa rin ni inang ang kaldero naming malinis naino kong mas madiin ang tila walang direksyong pagkaskas niya ng abo sa paligid nito nakatutulig ang taginting nang nagtatagisang takip at bungangang sinadya yata niyang pag-umpugin mayamaya’y inutusan ako ni inang na humingi ng kapirasong dupungan sa kapitbahay na di niya kakibuan gayong meron naman kaming posporo wala kaming bigas noon wala ni asin pero si inang nagparingas pa rin dati sa isang ihip lamang niya’y naririnig ko na ang hagikhik ng apoy pero noo’y wala akong nasilip ni katiting na... (more)</description>
palayain ang sarili
      <description>mga tula
narito tayo
elepante
      <description>parang atungal ng elepante di ba tay?
tanong ng aking anak, isang hapong 
nakakalumbaba niyang pinanonood 
sa bintana ng inuupahan naming kwarto
ang abuhing posteng-usok na iniluluwa
ng isang di-kalayuang pabrika ng plastik. 
tanong itong dumamba sa sinapupunan
ng aking utak na agad namang nagluwal
ng panibagong palaisipan: wala na bang  
katuparan ang paulit-ulit na mga pangako
ng pag-unlad? edukador ako ng karapatang 
pantao at gusto kong damhin sa mga mata  
ng aking anak ang liyab ng binibigkas kong
mga talumpati tungkol sa bagong kaayusang 
kikilala sa pagkatao ng bawat... (more)</description>
ang nakaraangpatuloy na nagpapatuloy
      <description>ang nakaraangpatuloy na nagpapatuloyunang bigwas: sarili
Nagsimula tayo sa ating mga sarili.  Naglaan  ng isang tiyak na panahon at lugar para sa malayang pagdaloy ng tinig na madalas nating isantabi.  Binuhay o pinalakas ang reception capacity ng ating mga senses.  Gumawa tayo ng mga exercises na idinisenyo para paganahin ang ating pang-amoy, panlasa, pandama, pandinig at inoryent natin ang paningin sa kahalagahan ng sariwang pagtingin sa mga kapaligiran Layunin nito na balansehin ang pagdomina ng rason/ isip sa ating sarili at paalagwain  ang ating imahinasyon.  
“What I love in you,... (more)</description>